End of Hiatus. Pasukan na!

tumblr_llqq9iwir11qbxw68o1_500
“Tapos na ang bakasyon!”
tanggapin mo na ang katotohanan. Tapos narin ang maliligayang araw mo. Umpisa na naman nang kalbaryo na kailangan mong patunguhan. Umpisa na naman ng maagang tulog at maagang gising routine mo. Wala kang choice.

Bilang unang Filipino/Tagalog post ko dito sa WordPress ay mas mainam na makapagsulat ako ng isang artikulong makapagbibigay  kaalaman sa mga mag-aaral. Kaya heto! Basahin nyo 🙂 

 

Image

Sabi nga nila, isa sa mga masasayang parte ng buhay ay ang pagiging estudyante. OO, aminin natin, talagang nakakatamad gumising ng maaga, pumasok ng paaralan at makinig sa gurong walang katapusan ang pagdadakdak. Ngunit, iyon ay parte ng buhay. Kailangan mong tanggapin na kailangan mong mag-aral upang may makamit sa buhay.

Napakasayang mag-aral. Totoo yan. Maliban sa mga markang nakukuha mo sa pagpupursigi sa pag-aaral, mga impormasyong nakukuha mo sa pagbabasa ng libro, mga kaalaman na naririnig mo sa mga magagaling na guro, nariyan din ang mga bagay-bagay na natututunan mo sa labas ng klasrum: mula sa mga kaklase, barkada, crush, pati na rin sa mga kaganapan sa paligid mo. At yun ang mga bagay na mami-miss mo kapag nagtapos ang sampung buwan mo sa eskwelahan.

Swerte ka kapag sa mga panahong binabasa mo to eh nasa  3rd Year High SchoolCollege ka pa lamang.  Pero pag nagkataong nasa 4th year HS o College ka na, alam kong maga-agree ka sa mga sinasabi ko. Totoo! nakakamiss ang mag-aral. Kaya maging masaya ka sa pagbukas ulit ng paaralan. Ang pasukan na pinakahihintay ng mga masisipag mag-aral at masisipag na humingi ng baon sa mga magulang!

Makikita mo na naman ang mga pamilyar na tao sa eskwelahan nyo. Andyan din ang mga bagong mukha na pinangungunahan ng guro nyo. May pagkakataon din na may bago kayong kaklase mula sa ibang section o di naman kaya ay transferee. Nariyan na din ang mga paborito mong pagkain na hindi mo natikman sa loob ng dalawang buwan. Papapak ka na naman ng chichirya sa canteen at makikipag chikahan ka na naman kay Auntie, Manang, o ate sa tindahan o bangketa. Syempre, hindi din makakalimutan ang makipagkumustahan sa mga staff ng paaralan tulad na lamang ni Manong Guard at Kuya Janitor. Ikaw na talaga ang friendly!

Yan lamang ay ilan sa mga namiss mo, na tiyak ay masaya mong babalikan. Ngunit ano nga ba ang mga bagay-bagay na mami-miss mong gawin muli na sya ding kapananabikan mong balikan sa ika-walo hanggang sampung buwan mong paglalagi sa eskwelahan.

 

  1. Social media. Oo. Alam kong mamimiss mo ang pagbababad sa Internet lalung-lalo na sa Facebook at Twitter. Ma-mimiss mo ding maki-Trend sa mga usap-usapan na walang kabuluhan at kwenta! Eh kung ginamit mo kaya yung oras para mag-advance reading. Oh eh ngayon? Anong nakuha mo sa kaka-Facebook? Wala di ba?
  2. TV. babad na babad ka nung bakasyon sa mga teleserye at afternoon shows. Eh ngayon, kailangan mo nang matulog ng maaga. Huhubells
  3. Siesta. Naniwala kang tatangkad ka sa kakatulog. Eh bat di mo yan ginawa nung bata ka pa? Eh ngayon, pano busy ka na dahil mag hapon kang nasa school? Wala nang siesta 😥
  4. Books. Naniniwala naman kasi akong meron pa ring mga mahilig magbasa. Yun nga lang yung iba eh sumusobra. SIla yung mga bookworms at alam kong ma-mimiss nila ang pagma-marathon dahil sa busy schedule. Pero ok lang yan! 🙂 Find time to read over the school days dear 🙂
  5. Late night sessions. Wala akong pambara dito. OO. Naniniwala ako na gaya nyong teenagers eh normal lang na umaga ka na kung matulog. Kaya alam ko ma-mimiss mo din to.

 

Ilan lamang to sa mga bagay na mami-miss mong gawin during school days.

 

 

Ikaw ano-ano yung mami-miss mo?

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s